Epekto ng TRAIN ni Duterte sa mga Manggagawa

Dear President Duterte,

Mindali niyo ang TRAIN na hindi niyo man lang pinag-isipan muna. Ngayon, libo libo ang mawawalan ng trabaho.

Nauna na ang Coca-Cola dahil sa karagdagang buwis na pinataw niyo sa sugar. Sa laki ng operating expenses, kahit ipasa din nila sa consumer hindi na kaya, kaya walang choice sila kung hindi magbawas ng empleyado. Sa tingin niyo ano ang mangyayari sa pamilya ng mga tinanggal?

Eto talaga tumigil ang operation dahil sa TRAIN law na pinagpilitan mo sa mga Pilipino. Ikaw ang umutang sa China ng pera, pero papasanin ng bawat Pilipino ang pagbayad. Hindi lang droga ang problema ng bansa. Sana inisip mo ang mga mawawalan ng trabaho bago mo sinaksak sa lalamunan namin ang TRAIN law mo!

Eto ang Zest-O na kung saan ilang taon na sa Pilipinas, isang Duterte ang magiging dahilan sa pagpapasara sa kanya. Nang plinano mo itong TRAIN law, at minadali sa Kongreso, sumagi man lang ba sa isip mo kung paano mahihirapan ang mga taong pinangakuan mong pagsilbihan?

Paano na mga pamilya nila? Mga anak na nag-aaral, mga sikmurang magugutom? Wala kang konsensya!

Galit sa Presidenteng Malupit,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *