Epekto ng Rigodon ni GMA at Alvarez

Dear KaPAB,

Hayaan niyong ishare ko sa inyo itong post ni Jeff Crisostomo para malaman niyo kung ano ang epekto ng pagpalit speaker noong Lunes.

Q: Paano ba nalalaman kung sino ang Minority sa Kamara?

A: Nakatakda ito sa Rule II, Section 8 of the Rules of the House of Representatives, pero mas nabigyang linaw ng Korte Suprema noong naghain ng petisyon ang Independent Minority noon para kilalanin si Ifugao Rep. Teddy Baguilat bilang Minority Leader. Sabi ng Korte sa desisyon (G.R. No. 227757 promulgated July 25, 2017): “xxx (a) all those who vote for the winning Speaker shall belong to the Majority and those who vote for other candidates shall belong to the Minority; (b) those who abstain from voting shall likewise be considered part of the Minority; and (c) the Minority Leader shall be elected by members of the Minority.”

Background chika muna tungkol sa isyung ito: Lumaban si Rep. Baguilat bilang Speaker noong 2016. Kalaban niya si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Quezon Rep. Danilo Suarez. Usually, ang matatalo ay automatic na magiging Minority Leader, pero dahil 3 silang naglaban, sino ba dapat kay Rep. Baguilat at Rep. Suarez ang magiging Minority Leader? Sabi ng panig ni Rep. Baguilat, siya raw dapat dahil mas maraming bumoto sa kanya (karamihan ng hindi bumoto kay Rep. Alvarez ay nag-abstain). Sabi naman ng panig ni Suarez (at Alvarez, dahil, hello, magkakasama naman talaga sila), siya raw dapat dahil considered na Minority members ‘yung mga nag-abstain. Ayun pinanigan sila ng Korte (hello ulit, ‘di na tayo nagulat). Nung pinili nung mga nag-abstain si Suarez, naging Minority Leader na siya– pagkatapos nito, dahil nailuklok na nila si koya, nagsilipatan sila pabalik sa Majority. O ‘di ba?! Sneaky Minaj.

Q: Sa ngayon, sinu-sino ba ang nasa Minority Bloc ng Kamara?

A:
Cavite Rep. Francis Gerald Abaya

Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao

Ifugao Rep. Teddy Baguilat

Quezon City Rep. Bolet Banal

Quezon City Rep. Kit Belmonte

Camarines Sur Rep. Gabby Bordado

Northern Samar Rep. Raul Daza

Pangasinan Rep. Toff de Venecia

Caloocan City Rep. Edgar Erice

Albay Rep. Edcel Lagman

Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong

Marikina City Rep. Miro Quimbo

Silang 12 lang mula sa Liberal Party ang nag-abstain. Ang abstention ay kontra pa rin sa nominadong Speaker na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo. ‘Yung tatlong Makabayan Bloc Representatives, bumoto ng ‘no’ na dineklara ng presiding officer at that time as out of order dahil either ‘yes’ o abstain lang dapat ang pagpipilian. Hindi naman bill ang pinagbobotohan. Eleksyon ito ng tao sa posisyon. Wala namang ‘no’ vote sa balota. Pwede ka mag-abstain by not shading the circle. Haha! Anyway… Ayun. Sa ngayon, silang 12 ang Minority. Operative phrase: SA NGAYON.

Q: Nasaan na ‘yung iba? Bakit 12 lang ang Minority?

Huwag kang mag-alala, besh. Lalaki pa ang numero nila. Maaaring mag-apply sa Minority ang ibang hindi nakaboto nung gabing na-elect si GMA. May ilan nang nagpahiwatig ng kanilang intensyon na sumama sa Minority. Kasama na rito sina Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato, Akbayan Party-List Rep. Tom Villarin, at Magdalo Party-List Rep. Gary Alejano.

Q: So sila na ba ang Minority talaga?

A: Well, umeeksena pa kasi ang iba. Si former Minority Leader Danilo Suarez, noong Lunes, mega support kay GMA na kasama niya sa Lakas dati. Tapos biglang sabi niya gusto niya mag-stay as Minority Leader. Anuna?! Matapos niyang pumirma (siya pa ang unang una) sa manifesto of support para kay Madam, biglang Minority pa rin ang bet niya. Kaloka. Saan ka nakakita ng Minority na papanig pa rin sa Speaker at Majority?! Oh wait… Ganun din pala siya last time nung si Alvarez pa ang Speaker. Anyway, lahat silang mga DATING Minority members na bumoto para sa new Speaker ay part na ng Majority. Malinaw ‘yan sa rules at sa Supreme Court decision na chinika ko sa itaas.

Sina former Majority Leader Rodolfo Fariñas, umeeksena rin. May numbers daw sila. Kaso nga lang ‘yang numbers na ‘yan ay hindi naman bumoto at all noong Lunes kung kailan nagkaroon ng eleksyon para sa Speaker.

Malinaw ang rules. ‘Yung 12 lang na nag-abstain ang Minority. ‘Yung mga hindi nakaboto, kailangang mag-apply para makasama. Keri? Keri!!!

Makikilala mo talaga ang swapang sa posisyon sa mga congressmen no? Ngayon pati PDP-Laban, tunaw na.

Kawawang Alvarez, Fariñas, at Koko, naitsapwera na nang tuluyan.

Naniniwala sa Karma,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *