Election Time, Fake News Time

Dear DDS Trolls,

Hindi ba kayo napapagod sa paggawa ng fake news? Kamakailan, ginawan niyo ng fake news si Senator Bam Aquino.

FAKE NEWS #1

Mula sa Balangiga bells hanggang sa Ms. Universe talagang nag-imbento kayo para palabasing credit grabber ang tao. Kahit hindi naman totoo.

Nang hindi masyado nagkaroon ng traction ang paninirang puri niyo, lumipat na naman kayo sa Liberal Party.

Si Senator Kiko Pangilinan at Senator Risa Hontiveros ang ginawa niyo ng fake news.

 

Sabi niyo nagfile ng bill sila to abolish 13th month pay. Gusto niyong magalit ang mga tao sa Liberal Party.

Ang nagpost ng fake news na ito ay ang site na Adobo Chronicles. Maaaring satire site sya pero nagiging kasangkapan sya sa pagkakalat ng fake news.

Nashare siya sa isang Duterte page, base sa mga comments malalaman mo na minsan hirap umintindi kung ano ang ibig sabihin ng satire.

 

Huy mga DDS, lipas na ang 2015-2016 kung saan maraming kumagat sa fake news niyo. Iba na ang panahon ngayon. Ang tao, ang bayan ngayon ay lumalaban na. Kaya huwag kayong ano!

 

Kalaban ng Fake News,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *