DuterteMoronics

Dear Pinoy,

Kailangan natin maghigpit sinturon, pumalo na ang palitan ng piso laban sa dolyar ng P1=$51.

Ang implikasyon po nito ay tataas na naman po ang mga bilihin. Dollar ang ginagagamit nating pambili ng langis sa world market sa pagbaba ng value ng piso ibig sabihin mas malaking halaga ang kailangan para makabili tayo ng krudo at ang karagdagang puhunan ng mga negosyante ay ipapasa sa mamimili. Patay na naman si Juan.

Maaring lalaki ang padala ng mga OFW, pero sa pagtaas ng bilihin parang wala din yan. Lubog tayo sa utang sa China, marami pa din ang walang trabaho, tapos priority bill ni Duterte ang pagpataw ng karagdagang tax sa halos lahat ng bilihin.

Kapit mga kapatid, maalong paglalayag ang tatahakin ng bansa.

Yamot sa walang alam sa Economics,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *