DUTERTE Umamin na!

Dear Tatay Digong,

Mabuti naman at inamin niyo na nagbayad talaga kayo ng troll farm during campaign period last election.

Yung mga propagandista niyo todo deny pa na kesyo walang troll, hindi bayaran ang mga nagcocomment 24 hours at naglalike. Ngayon pinatunayan niyo na sinungaling ang mga propagandista niyo po. Actually, meron lang akong duda sa sinabi niyo na 10million lang ginastos niyo.

2  years before the election, nagsimula na ang black propaganda niyo. Feeling ko nga yun pong urong sulong na pagfile niyo po ng candidacy is part ng strategy niyo. Habang nagkakalat ang fake news noon ang mga tao parang nawalan na ng discernment. Kasi mind conditioning ang ginawa ng troll farm niyo.

During the campaign napabalita noon na there is one building in Taguig own by Nickel Asia, doon daw ang headquarter ng troll farm niyo. Kaya siguro medyo hindi niyo po magalaw masyado ang mining companies.

Inaway ng mga political marketer trio niyo na sila Sasot, Thinking Pinoy at Mocha si Maria Ressa noong gumawa sya ng graphs how the troll works. Kesyo hindi daw totoo. Legit daw na mga tao. Si Ate Mocha noon kung makasigaw ng Fake news ang rappler, wagas.  Si Sasot parang tanga kung maka tag sa rappler at sa mga reporter sa pagtatanggol na walang bayarang troll. Si Thinking Pinoy?  Never mind, nonsense naman siya.

Eto po oh, nagngangawa pa si Ate Mocha until now.

Pinagtatanggol na naman ang troll issue. 😂

Tay, nagalit na naman pala kayo sa Oxford University kasi nabisto kayo sa research na ginawa nila. Eto po oh ayun sa research ng Oxford University,

Ang partido niyo daw po na PDP-Laban ay involve sa sa social media manipulation. Eh ano po ba ang kinakagalit niyo?  Eh inamin niyo naman pala na may may mga trolls kayo?  Luh siya sinabihan ng bobo ang mga taga Oxford, sabi daw po ng mga taga Oxford nahiya daw po sila sa inyo sa galing niyo sa Math. 😂

110-20 = 80? 😂😂😂

Hay naku, ang problema lang sa daming nagkakalat ng fake news now,  paano kami makakasiguro na wala na ngang troll farm at hindi pera ng bayan ang ginagastos diyan?

Lagi ko tong sinasabi, “How you campaign is how you govern“.  In your case, ambot na lang.

Haist, kawawa naman si Juan.

Galit sa Matandang Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *