DUTERTE, NASAAN NA ANG PANGAKO MO?

At dahil Labor Day ngayon, balikan natin ang mga pinangako ng ng administrasyong Duterte sa mga manggagawang Pilipino.

DOBLE NA BA ANG SWELDO NG MGA TEACHERS?

Maraming salamat po sa ating mga guro, na patuloy na nagbibigay edukasyon sa mga estudyante. Naway tuparin ni Duterte ang pangako niya sa inyo.

KUMUSTA ANG SWELDO NG KAPULISAN AT SUNDALO, DOBLE NA RIN BA?

Sa mga kapulisan at miyembro ng sandatahang lakas, maraming salamat po for keeping us safe, naway tuluyan nang masugpo ang corruption sa inyong hanay. At sana maalala ni Duterte na tuparin ang pinangako niyang dobleng sweldo sa inyo kasi alam po naman na sa araw2x niyong operation binubuwis nyo po ang buhay nyo para po masugpo ang krimen at mga terrorista. Muli, kudos po sa inyo mga Sir at Ma’am.

SA MGA ORDINARYONG MANGGAGAWA, KUMUSTA NAMAN ANG ENDO NA SABI PUPUTULIN NA SA UNANG LINGGO NG PAG UPO NI DUTERTE?

Sa mga ordinaryong manggagawa, sa factory, supermarkets at mga security guards, nagbibigay pugay po kami sa inyo. Naapreacite po namin ang ginagawa niyo araw2x. Alam ko po most of you are in minimum wage bracket pero pinipilit nyo pong magsumikap upang hindi maging pabigat ninuman. Sana po maalala ni Duterte ang pangako niya sa inyo to end contractualization. It’s time naman na bigyan kayo ng halaga.

SA MGA OFW SAFE AT MAUNLAD NA BA ANG PILIPINAS AT PUWEDE NA KAYONG UMUWI?

Sa mga bagong bayani kami po ay nagpupugay sa inyo. Medyo hindi maganda ang ekonomiya natin, mataas po ang unemployment rate, hindi po maganda ang merkado. Lahat po ng bilihin mataas na, mukhang magtatagal pa po kayong magtatrabaho na malayo sa pamilya nyo. Sa peace and order, anyone po puwedeng mapagkamalan at barilin ngayon. Sana matupad ni Duterte ang pangako sa inyo. Ganun pa man, gusto po namin kayo bigyang pugay sa tulong sa ekonomiya ng remittances na pinapadala nyo po. Maraming salamat po!

Sa lahat ng manggagawa sa buong mundo mula sa magsasaka hanggang sa kawani ng gobyerno maraming salamat po!

SANA MABIGYAN NG PANSIN NG PRESIDENTE ANG PANGANGAILANGAN NYO AT HINDI LANG, “DRUGA DRUGA DRUGA” AT PATAYAN ANG LUMABAS SA BIBIG NYA.

HAVE A MEANINGFUL LABOR DAY SA INYONG LAHAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *