Duterte, Kadiri ang Kabastusan

Dear President Duterte,

Bakit po sobrang bastos niyo? Huwag niyong sasabihin sa akin na “ganyan talaga mga bisaya”. Kasi ang daming bisaya ang matitino. Napapakinggan mo ba ang mga sinasabi mo. “Shoot their vagina”? Grabe ang bibig niyo sa kabastusan. Panoorin mo ang video kung paano mo binalahura ang mga kababaihan.

Tapos kagabi, humirit ka na naman.

Baliko ang paniniwala niyo sa condom no? Hindi mo man lang inisip ang mga health workers na nagpagod para maeducate ang mga tao sa family planning at contraceptives. Hindi mo man lang sinaalang-alang ang pataas na rate ng AIDS sa bansa.

This is not the first time na bastos ka. Remind ko sa yo ha, ang mga instances na naging balahura ka.

1. Eto during the campaign pa na pinangalandakan mo na marami kang babae. Dito palang alam ko nang bastos ka eh.

2. Eto yung pati biktima ng Yolanda, binalahura mo. Dinamay mo pa si Lord. Kadiri ka.

3. Eto ginawang karne ang mga Filipina at inalay mo sa turismo. Balahura ka. Eh kung mga mahal mo sa buhay ang mauna mong ialay, papayag ka ba?

4. Eto pati amoy ginawa mong kabastusan. Kadiri ka.

Hindi puwede ang listerine na mouthwash sa yo kasi sobra ang bastos ng bibig niyo po. Dapat mas malakas pa para matunaw ang mikrobyo sa bibig niyo.

Sana naman matutunan niyong igalang ang kababaihan. Kasi may anak, asawa at mga mahal kayo na babae din.

Presidente ka na, hindi ka tambay na lasenggo sa kanto. Act like a president. Kasi nakakahiya po ang bibig niyo. Balahura.

Yamot sa Balahura,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *