Duterte: Hindi Ko Kilala Si Keng

Dear President Duterte,

Balita ko, hindi mo daw kilala si Wilfredo Keng?

Talaga? Walang charot?

Pwes, tulungan ko po kayong magresearch. Free lang po, walang bayad.

Si Wilfredo Keng po siya po ang may-ari ng Century Peak Metals Holding Corp.

 

Ang company niya po ay isa sa pinayagan niyo na magpapatuloy sa operation sa mining noong kasagsagan ng galit niyo sa mga mining company.

 

Hindi po ba nireport sa inyo ng board of investment sa Cebu? May project na worth 10.9 billion cement manufacturing plant sa Pinamungajan, Cebu. Hulaan niyo po kung sino ang may-ari? Century Peak Manufacturing Corp po, pag-aari din po ni Wilfredo Keng.

Ayun sa balita, the giant cement plant in Cebu is a joint venture between Century Peak Metal Holdings Corp. and China’s biggest cement manufacturing company, Anhui Conch Cement Co. Ltd.

Ang laki no? Kasi 100 years siya magiging supplier ng semento natin sa buong bansa. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niyo to nabalitaan.

 

Siya din po ang binigyan  po ng PPP reclamation project sa Cavite po under your term po.

 

Natandaan niyo na po ba kung sino siya? Selective amnesia ba Yan?

Sabi ng mga DDS ordinaryong tao lang daw po si Wilfredo Keng, parang hindi naman.

Anyway, I hope nakatulong po ako para makilala niyo po ang taong nabigyan ng project ng administrasyon niyo po.

Pag may tanong po kayo, email niyo lang ako or message niyo po ako sa messenger.

 

Self-appointed Researcher ni Duterte,

PAB

P.S.  Salamat kay Dan Santos of Twitter sa mga resibo.

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *