From 1 to Duterte, Gaano ka Kapabaya?

Dear President Duterte,

Ang daming problemang kinakaharap ng Pilipinas. From traffic sa NCR,  NPA attack sa Visayas at ang problema sa Marawi sa Mindanao. Tapos nakuha nyo pang sabihin to?

Habang natutulog po kayo,  ang haba pa din ng pila sa MRT, sobrang traffic pa din.

Habang natutulog kayo inatake ng BFF niyong NPA ang Iloilo.

Habang natutulog kayo, yung mga evacuees sa Marawi ay kumakain na ng karton, dahon at kumot dahil sa kawalan ng pagkain.

Anong klaseng pinuno na sa gitna ng krisis ay mas pipiliing mag leave?

Anong klaseng ama, na sa gitna ng trahedya ng mga anak niya ay mas pipiliing matulog kaysa tumulong?

Pinili kayo ng 16 million para may karamay sila sa problemang kakaharapin nila pero mas pinili niyo talagang matulog?

Mukhang ang walang kwenta ang pagtawag sa inyo na Tatay Digong, kasi ang isang ulirang ama ay hindi PABAYA..

Naawa sa mga umasang Pilipino,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *