Duterte, Diktador, __________

Dear President Duterte,

Sabi niyo hindi political persecution ang ginawa niyo sa Rappler? Weh, di nga? Mamatay?

Sabi niyo nag violate ng constitution ang Rappler dahil sa Philippine Depositary Receipts. Pero alam naman natin it does not equate to ownership. This means they are foreign investors, Omidyar Network and North Base Media, do not own Rappler. They invest, but they don’t own. Rappler remains 100% Filipino-owned. Walang karapatan bumoto ang foreign entities who own PDR na bumoto sa board. But since galit ka at pinupuna ang kakulangan mo at ang pagiging berdugo mo, gumawa ng paraan ang isang minion mo si Calida. Resibo.

Alam niyo po, critical din naman ang Rappler sa mga previous president eh. Pero ni isa sa kanila walang ginawang kabardagulan gaya ng ginagawa ng admin mo ngayon. Mula sa Inquirer, papunta sa ABS-CBN eh. Kung ayaw mong mapuna, nagtayo ka na lang sana ng kulto na kung saan kahit kabastusan na ginagawa mo sasambahin ka pa rin.

At saka double standard ka sa foreign ownership eh. Yung sa Rappler na Philippine Depositary Receipts lang, ginawa niyo ng butas kahit hindi naman totoo, pero yung ownership ng China sa telco ng bansa pinagtutulakan niyo pa at minamadali pa? Resibo.

Tapos sasabihin ng alipores mo na violation of constitution? Kung may traydor man dito ikaw yun. Resibo.

Ang hirap sa yo gusto mo pinupuri ka lagi. Ang hirap kaya, kasi wala namang kapuri puri sa mga patayan at pagbagsak ng ekonomiya.

Ayan sikat na ang pagiging diktador mo. Resibo.

Sikat ang pagiging diktador niyo sa buong mundo. Iiwan niyo talaga ang Pilipinas na basura.

Galit sa Diktador,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *