Dumale na Naman si Sotto

Dear Senator Sotto,

Etong panibagong statement niyo ay nagpapakita kung gaano kaliit ang pagpapahalaga niyo sa karapatang pantao no?

“Humanity ba ang drug pusher at mga abusadong drug user? Kung sagot nila (ICC), oo, aba eh isa sila run o suportado nila ang mga ‘yun,”

As usual nangopya na naman po kayo. Gaya ng dati. Duh.

Ginaya mo lang si Duterte at Aguirre to justify extrajudicial killings. Gaya gaya, puto maya po kayo.

Tao po sila, Senator Sotto. Ayun sa ating saligang batas they are entitled to human rights – including the right to due process, equal protection, life and liberty. They can be charged for breaking laws. If the courts find them guilty, they can be sentenced accordingly.

Kung ang mga drug user ay hindi tao, anong tawag mo sa seatmate mo na si Senator Manny Pacquiao? Bubwit? Di ba inamin niya na addict sya dati?

Senator Pacman abused all kinds of drugs as a teen. He reformed himself and won multiple world boxing titles. Bakit pinagkait sa iba ang karapatan magbagong buhay?

Yung boss mo na si Duterte, anong tawag mo diyan kung hindi human yan? Durian? Luh grabe siya oh. Di ba nga, Duterte was prescribed fentanyl – 50-100x more powerful than opium or morphine – for pain relief. He admitted abusing the dosage.

5. Other lawbreakers are human.

Gaya ng mga kaibigan mo na nainvolve sa kaso dati ni Pepsi Paloma. Kahit inakusahan sila na nangrape, tao pa rin sila. Binigyan ng tsansang magbagong mabuhay.

Ang dami nang namatay. Hindi lang sampu or isandaan, libo na po. Anong tawag mo sa mga batang namatay? Mga langgam?

Many innocents are killed in Duterte’s drug war: Kian who was tending to his family’s sari-sari, the toddler riding with her dad on a motorbike, mistaken identities, collateral damage. With due process, they would have been given the chance to prove their innocence.

Kung magsalita kayo para po kayong troll. ‘Siguro adik ka’ shows lack of merit in his argument. Arguing for rule of law – on behalf of drug suspects – does not make one a supporter of illegal drug use.

Arguing that trapo-plunderers, senator-rapists, president-mass murderers are all entitled to due process does not make me a supporter of plunder, rape or mass murder.

Just for the record ha. Ang no. of deaths na mula ng naupo si Poon mo is ranging from 10,000-12,000 na. To give you an idea.

Get the picture? So wag puro kuda ha, law maker ka pa naman and yet you don’t value basic human rights.

Yamot sa Sipsip,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *