Dugo Sa Kamay Ni Duterte

Dear President Duterte,

May hinuling tambay na namatay sa kulungan.

Siya si Genesis Argoncillo, 22 years old. Nanonood lang ng video sa phone nang inaresto ng mga pulis kasi wala siyang T-shirt.

After 4 days na hinuli, nakita na lang siya ng mga kamag-anak niya sa hospital na patay. Puno ng pasa ang buong katawan. Sabi ng mga pulis, nabaliw daw at self-inflicted daw ang mga pasa tapos nanggugulo daw sa selda. Paano nangyari yun, eh araw-araw siyang binibisita ng kapatid niya.

Ayon sa death certificate, namatay si Genesis dahil sa multiple blunt force sa leeg, sa ulo at sa upper extremities. May mga pasa halos sa buong katawan. Paano naging self-inflicted yun?

Paano pa po kayo nakakatulog sa gabi, Mr. President? For sure hindi niyo na naman paparusahan ang may gawa nito. Hinuli at pinatay siya sa pagiging tambay? Pero yung mga drug lord na gaya ni Peter Lim, nakalaya? Yung mga corrupt nakalaya?

Tama ang sabi ng kapatid ng biktima, binaboy niyo siya. Wala kayong awa. Hindi krimen ang pagiging tambay. Hindi krimen ang hindi pag susuot ng T-shirt. Pero para sa inyo krimen ang pagiging mahirap, kasi halos sila lagi ang biktima sa lahat ng panukala niyo. War on drugs, TRAIN, ngayon pati mga tambay.

Buhay ka pa, sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno.

Galit sa mga Mamamatay Tao,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *