DSWD, Puwede po bang magtanong?

Dear Secretary Judy Taguiwalo,

Magtatanong lang po ako. Kumusta po ang relief operations sa Marawi. Bakit po maraming taong nagkakasakit sa evacuation center. Yung iba daw pong sibilyan,  dahon at karton na po ang kinakain.

According to DOH 35 na po ang namamatay. Causes of death pneumonia and dehydration. Secretary, wala po bang malinis na tubig binibigay ng DSWD?  Bakit po parang hindi nakakaabot ang tulong ng gobyerno sa kanila?

Pinadala po itong document na to sa PAB. Humihingi pala kayo ng tulong sa mga OFW,  in cash and in kind. Totoo po ba to?

Lahat po ba ng embassy natin sa buong mundo binigyan niyo nito?  Kung totoo po ito, hindi po ba dapat may transparency kung paano natin mamomonitor ang tulong na ibibigay ng mga OFW nating kababayan?

Akala ko po ba sapat ang budget sabi ni Asec. Badoy at hindi tayo tumatanggap ng second hand?  Naka indicate po sa sulat in kind puwede, paano kung second hand na gamit ang ipadala like kumot, towels and other things?  Baka sabihin basurera ang tatanggap?

Anyway po, paki clarify po kung authentic ang document. Kung totoo po, sana balitaan niyo din kami kung magkano na ang natanggap niyong donation. Transparency, you know?

Anyway po, more power sa office nyo at sana masagot niyo mga tanong ko.

Mahilig sa Ukay-ukay,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *