Drama at Comedy sa DOT Senate Hearing

Dear KaPAB,

Napanood niyo ang Senate Hearing ng mga Tulfo?

Isa-isahin natin sila.

WANDA TEO ang babaeng walang alam.

Maniniwala ba tayo dito?

Hindi daw niya alam na ang “Kilos Pronto” ay sa brother niya. Sabi nga sa hearing “ignorance of the law, excuses no one from compliance therewith”. In other words, wag tanga, pera ng bayan yan.

At yung mga naghahanap ng 60 milyon nagastos na daw.

Hindi niya alam sa brother niya ang Kilos Pronto pero at least alam niya na nagastos na.

At parang biglang sumanib si Mocha Uson sa kanya kasi sabi niya.

Kaya biglang nagkaroon ng ganitong meme tuloy.

Nalipat sa Surigao del Sur ang Enchanted Kingdom.

ERWIN TULFO ang lalaking bastos pero in denial

Sabi niya kakulangan lang daw sa documents ang dahilan.

Huy ang lakas mong magmura sa programa mo pero hindi mo alam ang conflict of interest? Grabe siya, tanga tangahan lang ang peg. Sa radio, parang tigre na bastos pero sa senado parang pinipit na tigre?

Bakit hindi iisipin eh doon ka nagtatrabaho.  At saka hindi mo man lang nabanggit sa kapatid mong si Wanda na ang Kilos Pronto ay sa kapatid ninyong si Ben? Ibig sabihin kayo ang nagpahamak sa kanya? Kwento mo yan sa pagong ha.

BEN TULFO ang lalaking mayabang na may nakakainis na accent

Yung akala mo makakalusot ang style mo sa radio? Oh loko, napagalitan.

Tapos sabi pa niya, hindi daw siya nag ask ng favor sa kapatid niya. Nyek.

Pero ang pinirmahan niya may Department of Tourism doon.

 

Maniniwala din ba tayo na hindi niya alam ang head ng DOT ay kapatid niya?

Ang kapal lang di ba? Hanggang ngayon hindi pa din nila alam ang conflict of interest.

KAT DE CASTRO ang babaeng tamad magresearch

Siya po ang Chairman ng Bids and Awards Committee sa DOT. Pero eto ang sabi niya.

Luh, naging chairman ka pa. Hindi ba obligasyon momg pag aralan ang bawat kontratang pinapasok ng DOT bago mo pirmahan? Kaloka to, ang laki ng sweldo, hindi man lang nagreresearch bago pumirma.

SENATOR ANTONIO TRILLANES ang sumunog sa pekeng tapang ng mga Tulfo

Nilait si Secretary Berna ni Ben pero pagdating sa Senado urong ang tapang.

Nakakatawa at nakakainis pero pera ng bayan ang napaglaruan. Haist.

Galit sa Corrupt,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *