DoTr, May isyu na naman sa Uber at Grab

Dear Secretary Tugade,

Nabasa ko po itong post ng website niyo  kagabi. May sinasabi na naman kayo about Uber and Grab.

Nagshare kayo ng isang pangyayari na hindi niyo man lang iniimbestigahan. Release kayo agad ng statement. Lahat na lang talaga ginagawa para majustify ang panggigipit sa Uber at Grab drivers at the same time sa mga commuters.

At hindi naman siguro coincidence na si Ate Rachel ay nagtatrabaho sa office ni Martin Andanar?

Akalain mo, assistant secretary pala ng PCOO like ate Mocha.

My point is you are a government site, post like this should not be galing sa inyo. You did not even conduct investigation, kinabit niyo na agad sa Uber at Grab issue.

Yung sinasabi niyong Regulate na yan, sino po ba in the first place ang dapat gumawa ng regulations? Hindi po ba ang gobyerno?  Nagmumukha nang tabloid ng tsismis ang mga government website.  Kung hindi fake news, reposting an incident without verification ng details.

You need to accept the fact that malaki ang naitutulong ng Uber at Grab sa commuters at livelihood din ito sa mga drivers.

Tama na ang paninira. Gawin niyo ang regulations niyo, tapos.

Imbyerna sa Tsismoso,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *