Dominguez and Diokno Strike Again!

Dear Secretary Dominguez and Secretary Diokno,

Bakit ang hilig niyong humirit ng mga bagay na alam naman natin na hindi totoo? Alam ng taong bayan na hirap na sila sa TRAIN pero kayong dalawa mahilig magbitaw ng mga statement para pagtakpan ang kapalpakan ng economy.

Ikaw Secretary Dominguez, eto ang hirit mo.

Anong no impact na pinagsasabi mo? Higher interest rate induces people to save more and consume less. People spend less. So humihina ang economic growth. Kaya nga sa target niyong 7-8% na GDP ay 6% percent lang inabot niyo last quarter target eh.

Ikaw naman Secretary Diokno, talagang matapobre ka no?

Kung sinisinok ka lang sa taas ng bilihin, ang mga nasa laylayan sumusuka na ng dugo sa sobrang taas ng bilihin.

Maari kayong dalawa hindi ramdam ang inflation rate or pagtaas ng bilihin pero kaming mga ordinaryong mamamayan ramdam namin.

Bakit niyo nga naman mararamdaman, milyonaryo kayo eh.

Kayo ang economic team na nag-isip sa TRAIN na ito. Sana man lang huwag niyong balewalain ang paghihirap na nararanasan ng taong bayan. Unti-unti niyo silang pinapatay.

Tapos may TRAIN 2 pa. Talagang papagapangin niyo ang Pilipino sa hirap dahil sa isang panukala na hindi niyo man lang pinag-aralan.

Hindi na kayo naawa sa taong bayan! Papatayin niyo ba sila sa gutom.

Yamot sa mga Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *