DOJ Secretary, Totoo po ba?

Dear Secretary Aguirre,

May nagpadala po kay PAB ng sulat. Totoo po ba na pag umuuwi kayo ng Mulanay Quezon ay nakahelicopter kayo. Eto po pinadala yung picture kay PAB.

Kaya po dalawa daw yan kasi separate helicopter ang mga bodyguards niyo po.

Sobra na daw yabang niyo daw po, sabi ng sender kasi dati naman land transportation lang kayo na umuuwi,  tapos ngayon naka helicopter na?  Ayan po oh may mga pulis pa na susundo ha.

Pera po ba ng bayan ang ginagastos niyo diyan?

Maawa naman kayo sa taong bayan ,nagtitiis sa traffic para makabayad sa buwis tapos kayo winawaldas ang buwis nila sa pag -uwi niyo na nakalicopter?

Hawakan niyo po ng maige ang wig niyo baka matangay sa pagbaba niyo sa helicopter . 😒

Haist kawawa naman si Juan.

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *