Dismiss BBM Protest Ang Tamang Desisyon

Dear KaPAB,

Hindi natin alam kung ano pa hinihintay ng Korte Suprema.

Sinabi ni Supreme Court PIO Keith Hosaka kanina na matagal na daw tapos ni Justice Caguioa ang recount report ukol sa ginawang recount sa Tatlong Pilot Provinces (Cam Sur, Iloilo, at Negros Oriental) sa Electoral Protest na inihain ni BBM laban kay VP Leni Robredo.

Bawat kampo may kopya sa nangyayaring bilangan. At napag alaman nga natin na mas lalong lumaki ang lamang ni VP Leni kay Bongbong Marcos.

 

In other words walang substantial recovery na nakuha si BBM para sabihing dinaya siya.

Kung pagbabasehan ng Supreme Court ang resulta ng recount sa tatlong pilot provinces dapat matagal na itong dismissed eh.

Pero kanina nagpalabas ng media briefer ang SC.

 

Kahapon pa pala naipasa pero bakit inuupuan pa din ng Supreme Court ang report. Sana lang walang niluluto talaga.

Kasi kung susundin nila ang PET rules dapat butata na to si BBM eh.

Sana ilabas ang katotohanan, kasi sagrado ang boto ng bayan.

Hindi Papayag Na Mabalahura Ang Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *