Dilawan and DDS Love Story

Dear KaPAB,

Let me share with you my love story hoping kapulutan niyo sya ng lesson.

I met my boyfriend, second quarter of 2014. He was introduced to me by a highschool friend. I just broke up with my ex-boyfriend then. He is kind, a gentleman, and old school manligaw. Naging kami June 30 of 2014.

Medyo hindi pa masyadong natatopic ang politics nun. Our relationship is not perfect but still I am thankful. Never kong naramdaman ni minsan na nagflirt sya sa iba. He is sweet kahit minsan nakakainis magbiro.

Come 2015, nalaman ko na he is a DDS supporter, nagvolunteer sya sa campaign. He is from Davao eh. Sinabi ko na magvolunteer din ako kay Mar Roxas. He agreed.

So kung gaano ako kaactive sa Dilawan campaign, ganun din siya kaactive sa Duterte campaign.

Akala namin hindi maapektuhan ang relationship, pero grabe sa social media. Nagsimula na kaming magparinigan until nag away na talaga kami.

Then we talked. Tinanong namin ang sarili namin kung ano ang mas mahalaga, ang kami o ang pulitika. Narealized namin, na mas mahalaga ang relationship. Kaya gumawa kami ng ground rules to save the relationship.

1.

We unfollowed each other sa FB and twitter.

2.

Pag magkasama kami, hindi namin puwedeng itopic ang politics.

3.

No matter how busy we are sa campaign, dapat may one day in a week kami na may “babe time“.

It worked naman. My family loves him. Kasi mabait sya eh, mahilig sa bata, kaya love sya ng mga pamangkin ko.

Yung kasama namin sa pic, si Mama Nene at si Mama Nelly. Sila ang nag-ampon sa akin nung namatay parents ko. Boto sila kay boyfriend.

Then nanalo si Duterte, active pa din ako sa political post kaya ang ground rules namin ay nanatiling nasa gitna ng relationship.

Then I became a blogger. Hindi ko sinabi sa kanya. Pero alam kong binabasa niya si PAB. Minsan magcocomment sya, magkasama kami, tapos mag aappear ang notification sa cellphone ko, napapangiti na lang ako ng patago.

Until the DDS doxed me out, and I decided na lumabas na lang. That was October 13, I waited for him to text me, after 3 days he did, ang natanggap ko na message from him ” I don’t think this will work“. Akala ko break up text message na yun. Nag reply na lang ako ng “K“. Pero hindi pa ako umiyak. I tried to be strong na harapin ang sakit.

After 2 weeks he messaged me again na mag-usap daw kami. So we talked, sa pag-uusap na yun, narealized namin na ang pagmamahal namin sa isa’t isa ay mas nakakahigit pa sa kahit anong klaseng pulitika. To quote him,

“Yung presidente 6 years lang, tayo more than pa dun”.

So we decided to stay in the relationship.

Hindi lahat ng DDS ay balahura. Hindi lahat ng DDS ay masama ang ugali.

Respeto. Compromise. Love wins!

Dilawan na Nagmamahal ng isang DDS,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *