“Did You Have A Good Sleep”?

Dear President Duterte,

Natawa po ako sa tanong ng Prime Minister ng Papua New Guinea sa inyo.

 

Parang nang-aasar lang no? Kasi naman kayo, alam niyo naman na ang trabaho niyo doon is to meet leaders para magkaroon tayo ng strong ties sa kanila, ginawa niyo pang bakasyunan ang Singapore.

Tapos nagsinungaling pa kayo. Sabi niyo 1:30 kayo nakarating bakit may breakfast meeting, sabay insulto niyo sa Australia na ang ipapakain sa inyo ay kangaroo.

 

 

Luh, sinungaling po kayo, dumating kayo November 12 nga gabi.

 

 

Tapos ang ASEAN Australia Informal Breakfast Summit na hindi kayo dumalo November 14.

 

 

 

More than 24 hours po ang power nap? Buti naman nagising pa kayo? Hindi na po yun, “power nap” sa tagal. Pang batugan na tulog na po yun.

Kung napapansin niyo, pinagtatawanan na tayo ng ibang bansa. Sana naman kung hindi mo kayang gawin ang responsibilities niyo, huwag na kayong gumala, sayang pera. Naka private plane pa naman kayo.

 

Yamot sa Waldas Na Tamad,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *