Di Mo Ba Naririnig Ang Tinig Ng Bayan Na Galit?

Dear KaPAB,

Ngayon lalabas ang report ng PET kung ipapapagpatuloy ang protesta ni BBM o ididismiss na nila.

Sa kalagayan ng hustisya natin sa bansa, hindi tayo sigurado kung papanig pa ba ang husgado sa taong bayan.

Napakulong nila si Senator Leila kahit walang kasalanan, natanggal nila si Sereno sa pagbaliko ng batas. Ngayon ang bise presidente na posisyon ang nasa balag na alanganin.

Simple lang naman sana ang kuwentong ito kung susundin lang ng PET ang tama.

Base sa resulta ng recount sa tatlong pilot provinces, walang duda na si VP Leni ang panalo at walang nakuhang substantial recovery si BBM. Sa katunayan, umani pa ng humigit 15,000 na dagdag na boto si VP Leni.

Wala na dapat maging ibang desisyon ang PET kundi ang ibasura ang protesta ni BBM. Ngunit, malaki ang duda natin na baka hindi panigan ang katotohan at mag-iba ng desisyon ang PET. Kaya, bantayan natin ang magiging resulta.

Nag aalab na ang galit sa puso ng mga tao. Hindi na ako magtataka kung lumabas na sa kalsada ang mga Pilipino para ipakita ang pagkadisgusto sa mga nangyayari.

Alam ng administrasyon ni Duterte kung paano magalit ang Pinoy. Napatalsik na nito ang diktador at corrupt minsan, hindi niya naman siguro gugustuhin na mangyari ito sa kanyang administrasyon.

Pag natapos ang pagtitimpi ng puso ng Pilipino, baka magulantang  pati ang buong  mundo.

 

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *