Di Lahat Ng Superhero Ay Nakasuot Ng Kapa

Dear KaPAB,

Sa nangyayari sa bansa natin, alam natin kung gaano kaimportante ang election sa Mayo 13.

Naranasan ng bansa ang kaliwa’t kanan na patayan. Nakita natin kung paano nanahimik ang ilan sa kandidato ng administration habang kinakatay na parang hayop ang ating mga kababayan.

 

Nakita natin kung paano pinapasan sa atin ang TRAIN ng mga kandidatong Ito.

 

Sa hirap ng dinaranas ng bayan halos lahat kumikilos at tumutulong na.

Unlike Hugpong Pagbabago, limitado lamang ang pondo na meron tayo. Walang pambili ng posters kaya bawat isa gumagawa ng paraan para makatulong.

 

 

Ang mga volunteers at supporters ang totoong superhero sa laban na to.

Gaya ni Professor Ed Garcia, sa edad niyang 76, ginagampanan ang pagtulong sa bayan. Alam niya kasi kung ano ang nakasalalay dito. Nasa takipsilim na siya ng buhay niya, pero tumutulong pa din siya para sa kinabukasan Ng bayan.

 

Si Marlon “Omar” Hernandez, may sakit na Leukemia, pero patuloy pa din sa pangangampanya. Sabi nga niya, “Yung sakit ko traydor. ’Yung sakit ko na lang, kesa ako ’yung traydor sa bayan,” Isang superhero na walang kapa.

Kapos sa pondo, pero ang pagtulong ng mga to ay galing sa puso.

Marami tayong “Avengers” sa laban na ito. Sa huli tatalunin natin si Thanos at ang kanyang mga tauhan.

 

Minor Blogger Na Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *