DFA Consultant or Troll Consultant

Dear Thinking Pinoy a.k.a. RJ Nieto,

Ang alam ko po consultant kayo sa DFA at ang nagpapasweldo sa inyo ay taong bayan. So ano ang koneksyon ng sangkaterbang request niyo sa PCOO via FOI?  Ginagamit mo ba yan sa trabaho mo? Paano makakatulong sa mga OFW ang request na to?

Ginagamit mo ang position mo para makahanap ng pansira kay Sen. Risa Hontiveros.  Nakakahiya ka. Sinasayang mo ang pera ng taong bayan para mambalahura ng kapwa. Oh nasa iyo na ang documents bakit ang tinitira mo ay ang itsura ni Senator Hontiveros, at hindi base sa hawak mong documents?  Kasi wala kang napiga. Tsismoso ka kasi!

Now, as I go on with my researched I found this. Eto ang request na fishing expedition.

Sabi mo sa request,

Hi, I would like to request for ALL the documents provided to Rappler’s Pia Ranada-Robles in connection with her FoI requests.

Hindi mo man lang maspecify ang nirerequest mo na info at kokopya ka na lang sa iba?  Luh,  grabe sya oh. So ano uli ang konek nito sa pagiging consultant mo sa DFA?

Pero yung sagot ng PCOO ang medyo nagtaka ako. Take note your request  ay documents given to Pia Ranada right? The reply of PCOO is this :

July 2017

Dear Rey Joseph,

Greetings from PCOO!

Thank you for your request dated 22 June 2017 under Executive Order No. 2 (s. 2016) on Freedom of Information in the Executive Branch.

Your Request: You asked for the documents given to Pia Ranada-Robles per her FOI request Response to Request: Your FOI request is classified as AWAITING CLARIFICATION.

The eFOI requests made by Ms Ranada-Robles to PCOO is public record and searchable on www.foi.gov.ph.

For your convenience, we tracked down and listed Ms Ranada-Robles’ approved eFOI requests to PCOO. They are as follows:

1. List of expenses of the PCOO for the foreign trips of President Rodrigo Duterte in Singapore and China in 2016.

2. List of names of the entire PCOO delegation to the Singapore and China trips, including consultants or bloggers who PCOO arranged to join the trips. The list of expenses should include expenses for consultants who rendered services for the PCOO during these trips. They should include exact amounts spent on specific expenses. Can you please confirm if you want to receive the documents mentioned above?

Ms. Ranada-Robles also made other eFOI requests to PCOO, but these were denied. Would you also want to know what these are?

We hope to hear from you soon. Thank you.

Respectfully,

Kristian Ablan

Assistant Secretary and FOI Decision Maker PCOO

Masyadong mabait si Asec. Kristian Ablan kasi kahit ang request na hindi binigay kay Pia Ranada ay gustong ipaalam pa sa yo?

So ibig sabihin this FOI ay may pinipili nang pagbibigyan. Pinagloloko niyo ang taong bayan. Sinasayang mo ang tax ng bayan na sinesweldo sa yo, kasi puro paninira ng kapwa ang ginagawa mo as DFA consultant.

Pati si Kian hindi mo pinatawad sa pambabalahura.

Multuhin ka sana ni Kian.

Yamot sa Balahura,

PAB

#FireThinkingPinoy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *