Demonized and Destroy

Dear General Bato,

Ang bilis niyo pong mag agree kay President Duterte, when he said na balak iabolished ang Commission on Human Rights no?  Palibhasa most of the violators ay galing sa hanay niyo.

Style propaganda  yung ganito eh.

Step 1. Papalabasin na masama ang mga tao o grupo na komokontra. Ang mga trolls sabay sabay na sisigaw “Asan ang CHR? ”

Step 2. Unti-unti sisirain ang imahe ang departamento sa pamamagitan ng mind conditioning na paulit ulit na hanapin ang CHR sa mga krimen na hindi naman gobyerno ang may gawa. Ang mga troll ay sabay – sabay ang theme ng paguusapan na ultimo yung sa Resorts World at CHR ang hahanapin. Samantalang klaro naman sa Saligang Batas ang function ng CHR.

Step 3. Eto na ang final stage. Aalisin niyo na sa landas niyo ang departamento na sagabal sa mga pang aabuso niyong gagawin. Nakondisyon niyo na kasi ang utak ng mga trolls na masama sila.

At ang talagang nakakatawa when you were told, na ang CHR ang nagchecheck and balance ng mga abusadong pulis and you replied ” I will be the one to check and balance “. Alam ko kalbo kayo, pero nagpapatawa po ba kayo?  Ikaw na ang binigay niyong parusa dun sa hulidap na involved ang ang mga pulis ay push up?

Check and balance ba yan?  Para po sa akin kunsinti and kunsinti pa more ang gagawin niyo oras mawala ang CHR.

Ngayon palang nga kung lapastanganin ng mga tao niyo ang karapatang pantao ay walang habas,  how much more if wala na kayong CHR na kinakatakutan? Baka ang mga bangkay nagkalat na sa kalsada and instead of 1000 deaths per month baka dumoble OR triple pa.

Well, marami ng Pilipinong mulat. Alam na namin ang mga balak niyo. Wag niyo kaming ipareho sa mga 16 million blind followers niyo na baka nabawasan na ngayon.  Majority pa din ang Pilipinong nag iisip.

Wag kami, General Bato. Wag kami.

Style mo Bulok,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *