Delikadesa Nasaan Ka Na?

Dear KaPAB,

Sa mundo talaga malalaman mo kung sino ang may delikadesa. Si Justice Carpio at Justice Leonen parehong nagdecline sa nomination bilang Chief Justice. Kung tutuusin, they have voted against the ouster of CJ Sereno.

Pero susko, etong apat na bumuto para paalisin si CJ Sereno, talagang tinanggap. Walang hiya-hiya.

Si Aling Tersing, talagang sunggab agad. Yaiks.

Tapos eto naman si Martires, siya na ang bagong Ombudsman na papalit kay Conchita Morales.

Siya lang naman ang nag abswelto kay Polong dati. Siya din ang tumanggap ng plea bargain na dapat sana plunder ang kaso ni Major General Garcia. At eto pa, siya ang nag abswelto sa isang kaso ng mga Marcos.

At eto pa, pareho sila ni Duterte palamura.

Kawawa talaga ang Pilipinas. Bayaran ng utang na loob ang pagbigay ng posisyon. Duh.

Naaawa sa Bansa ko,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *