DECRIMINALIZE DRUG USE??

Kaliwa’t kanan po ang balikos ng mga ka-DDS kay Bise-Presidente Leni Robredo dahil sa pahayag niya tungkol sa “War on Drugs” ni Pangulong Duterte.

Ano po ba ang sinasabi ng mga ka-DDS kay Bise-Presidente Leni Robredo? Eto po ang ilang halimbawa:

Ano po ba ang sinabi ni Bise-Presidente Leni Robredo pa tungkol sa War on Drugs?

“I’ve always been very open to the fact that I support, and I support the war against drugs in the sense that, tinatanggap naman natin lahat kung gaano kalaki nga ang problema pagdating sa droga.” – Vice President Leni Robredo

Ok po hindi ba? Tangap naman po natin lahat na may problema po tayo sa droga. Wala naman pong Pilipino ang nagsasabi na wala po tayong problema sa droga. Halimbawa, ayon po sa survey ng Dangerous Drugs Board ang mga nalulong sa droga ay nasa 1.8 milyong mga Pilipino.

 

Eto naman po ang mga na arresto, mga na rehab at mga kaso na nasampa ayon sa Philippine Drug Enforcement Administration:

Ano pa po ang sinabi ni VP Leni?

“Feeling ko ang hindi lang pinagkakasunduan, ay iyong manner. Iyong mga paraan kung paano ito gawin. Ako kasi naniniwala ako na marami pa ding mas maayos na paraan para gawin ito.” — VP Leni

So, OK po ba yun? Agree si VP Leni na may problema sa droga. Ang pagkakaiba lang po ay ang paraan ng pagsugpo.

Bakit po kaya?

Hindi lang po si VP Leni ang nagsasabi ng ganito. Ang dating Pangulo ng Colombia na si César Gaviria ay nagpahayag na inuulit lang ni Pangulong Duterte ang pagkakamali niya. Hindi lang po siya. Ang ngayong Pangulo ng Colombia na si Juan Manuel Santos nagsabi din na kailangan ng Bagong Pamamaraan laban sa Droga at kailangan ang rethinking sa War on Drugs.

Sa wala pa pong isang taong pamumuno ni Pangulong Duterte sa Pilipinas isa po ito sa libo-libong halimbawa na ngyayari sa Pilipinas:

Nakakabahala po ba? Paano naman po yung mga taong nabiktima ng drug users?

Si Eloisa Lopez ay isa sa mga photographers na sumusunod sa War on Drugs. Noong October 21, 2016 nasa Tugatog Public Cemetery sa Malabon siya. Ang nasa isip niya isang drug user ang patay. Isang batang 7 years old– na-rape, at binaril ang nandoon. Lasing, at sa kuwento, drug addict ang kaibigan ng tatay ng biktima ang nakapatay.

Hindi makapag salita ang ama ng biktima.

Sino ba ang kayang makapagsalita kung sayo ngyari yun?

Anak. Seven years old. Rape. Patay.

Hindi po ba nakapadali magsabi, ubosin nalahat ang mga drug addict?

Sa kuwento ni Eloisa Lopez sa Time, “That night, I felt our months-long efforts to humanize and seek justice and sympathy for the victims of the killings were made useless. That night, evil won.

Suddenly, the killings seemed reasonable. Suddenly, I was hoping someone would shoot this man dead—the way cops and vigilantes ruthlessly killed the others. Forget due process, forget a trial. I became exactly like the monsters I fought and hated.

Until I realized you cannot use one crime to justify a thousand others.”

Ang dali po, hindi ba? Isipin na lahat ng mga drug addicts, masasama. Lahat sila deserving to die. Papaano po ba ang paraan na sa pagsugpo sa droga… hindi din po tayo maging monster? Paano po mapipigilan ang pang-aabuso?

“Kahit pag-aralan nalang natin iyong nangyari sa kampanya laban sa droga sa buong mundo. Makikita natin na iyong mga bansa na gumamit ng dahas sa pakikipaglaban sa droga ay hindi naging matagumpay.

Venezuela, Columbia, Mexico, ito iyong mga madadahas ang fight nila, ang laban kung laban parang sa atin. Maraming mga buhay na nawala pero hindi sila naging successful, sino ba ang naging successful?”  – VP Leni Robredo

Sa Pilipinas naman po, madami ang nappatay o nakukulong Dahl sa mga fake evidence ng mga Pulis:

Noong isang lingo, na discover ng media ang isang Secret Jail ng Pulis

Ang sabi PNP Chief Bato Dela Rosa, “Ang pulis ko walang ginawang kalokohan.”

Pero kita naman po sa video at mga picture na meron pong pang-aabuso.

Ayon kay VP Leni, bakit hindi natin pagaaralan kung ano yung mga hindi nag-work, at ano yung nag-work. Nagbigay po siya ng isang halimbawa.

 

“Iyong Portugal iyong kanyang pamamaraan sa pag sugpo ay peaceful at maayos. Inayos na iyong kanyang mga batas, ini-strengthen niya ang kanilang rehabilitation, inayos iyong institutions na nagtutulong para ma rehabilitate, naging triumphant sila.” – VP Leni

Ano po yung ginawa nila sa Portugal? Noong 2001— so may 16 years na po (tama po ba ang math ko? Mahina po kasi ako sa math!), decriminalize ng Portugal ang lahat ng drugs. Cocaine. Heroin. Marijuana. Lahat po ng drugs in small quantities are itinuturing po nila na isang public health issue at hindi pagiging criminal.

Ilegal pa po yung mga droga. PInagbabawal pa po at kung mahuli ka, may multa.

So decriminalize hindi po ibig sabihin, legal na. Hindi po ibig sabihin na sa bawat kanto po, pupuwede na mag-cocaine, mag-marijuana.

Ang ibig sabihin po, pag nahuli ka, may konti multa at may referral ka sa isang treatment program.

So, 16 years ago na yun. So dapat alam na po natin kung among effect. Eto po yung isang pag-aaral:

“In the Portuguese case, the statistical indicators and key informant interviews that we have reviewed suggest that since decriminalization in July 2001, the following changes have occurred:

  •  small increases in reported illicit drug use amongst adults;
  •  reducedillicitdruguseamongproblematicdrugusersandadolescents,atleastsince2003;
  •  reduced burden of drug offenders on the criminal justice system;
  •  increased uptake of drug treatment;
  •  reduction in opiate-related deaths and infectious diseases;
  •  increases in the amounts of drugs seized by the authorities;
  •  reductions in the retail prices of drugs.”

Hindi naman po sabi ni VP Leni na gawin natin yung ginawa ng Portugal. Sa nabasa at napanood ko, ang gusto niya ay pagaralan natin ang iba’t ibang mga paraan. Baka masmakakabuti iyon. Eto yung kasunod niya na pahayag:

“Iyong sa akin naman na proposal, bakit hindi natin tignan iyong best practices. Bakit hindi natin tignan iyong mga best practices at subukan natin, kasi you have enough lessons in the past from other countries, kung what works and what doesn’t.

Kaya, iyong sa akin, ipinu-push ko sana mas malaking programa sa rehabilitation, lalo na iyong community rehabilitation. Halimbawa iyong report ng DOH, I requested for a briefing, sa dinami-dami ng mga nag-surrender, less than 10 percent ang illegible for institutional rehabilitation.

Gustong sabihin, karamihan sa mga nag-surrender hindi naman drug dependents, pero karamihan sa mga nag-surrender ay occasional drug users. So bakit hindi tayo gumawa ng programa?

Pag pumasok tayo sa mga jails natin, ang mga jails natin punong-puno, kahit iyong mga steps sa mga stairs, bawat step may dalawang natulog kasi punong puno na and more than half of them drug-related cases, pero walang maayos na rehabilitation program inside the jail.

So bakit hindi natin bigyan iyon nang maayos na atensyon, kaysa iyong patayan. Kasi iyong problema sa patayan hindi lang the fact that we violate ang human rights, pero maraming mga inosenteng nadadamay.” — VP Leni

May punto naman po si VP Leni, hindi ba? Bakit po ba yung mga Trolls tulad nila Mocha ganun na lang ang galit? May masama po ba sa sinabi ni VP Leni?

Sa tinigin ko po kelangan din natin, bilang Pilipino maintindihan, ano po ba ang addition? Sana po mapanood din niyo po ito:

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *