DDS Trolls, Nagkakalat

Dear DDS Trolls,

Kahit ano pa ang pagbabago niyo ng katotohanan sa tunay na pangyayari sa pagkamatay ni Kian, mabibisto at mabibisto kayo.

Exhibit A

Luh, si Kuya Glen Lozano kung magsalita akala mo close sya sa pamilya ni Kian. E taga Davao siya.

at kasalukuyang seaman ngayon na ang port of dock ay sa Finland.

Wag kami kuya, manloloko ka. Ingat ka, baka sa gitna ka ng dagat abutin ng karma.

Exhibit B

Eto naman si Kuya Edel, kung makapagsalit parang kadikit dingding ang bahay nila Kian. Pero yun pala wala siya sa Pilipinas.

Yun pala nasa Taiwan. At kung nasa Pilipinas naman ang layo ng tirahan niya sa Caloocan.

Pinipilit tayong pinapaniwala sa mga imbentong haka-haka para baguhin ang istorya sa tunay na pagkamatay ni Kian.

Pero eto ang pinaka malala.

Exhibit C

Ang mga troll nangunguha ng picture ng iba para magkalat ng kasinungalingan. Yung may-ari na mismo ang nag post na hindi nila kapitbahay si Kian.

Nagkakalat ang mga trolls para mag imbento ng kasinungalingan. Sinasabayan ng mga  political marketer ni Duterte. Si Ate Mocha at Ate Sabot halos oras2x nagpopost para baguhin ang katotohanan. Iba naman ang style ni Krizette Chu at Bruce Rivera sa pagdepensa.

Ang pagsulputan ng mga trolls na to, eto ba ang 1.3 billion na pondo ni Andanar?

Kahit ano pang damage control niyo, hindi niyo mababalik ang buhay ni Kian. Kaya please lang sana wag niyo nang balahurain ang pamilya at alaala niya.

Tubuan sana kayo ng korikong sa parte ng katawan na hindi kayang abutin ng kamay niyo pagkamot. Or tubuan kayo ng pimples na madami sa loob ng ilong!

Mga wala kayong awa!

Nagdadasal ng taimtim para sa Korikong,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *