DDS Trolls, Mass Reported by Kathniel Fans

Dear KaPAB,

Kamakailan, matapang nagsalita si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa nararamdaman nila sa pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa panahon na dinudumog ng mga DDS ang sinuman na nagtatanggol sa Kapamilya Network, matapang na nagpalabas ng saloobin niya ang batang aktor.

Si Kathryn Bernardo may mensahe din.

Ito yun talaga ang kurot sa puso eh. Na dapat magkaroon tayo ng concern sa kapwa natin kasi sa panahon ng pang-aapi, hindi lahat matapang na naninindigan para ipagtanggol ang mga nasa ibaba.

Ang dalawang star ng ABS-CBN na ito ay nasa tamang lugar ang puso.

Pero siyempre kung may bida, meron ding kontrabida. Gaya ni Banat By  at ni Mocha Uson.

Agad nagvideo sa FB para siraan ang Kathniel.

Banatan daw ang Kathniel. Inciting the DDS para i-harass ang dalawa.

As of writing, the videos are still up on Banat By’s Facebook page and has been shared by Mocha Uson’s Facebook page. Uson is an entertainer who campaign for President Rodrigo Duterte in 2016, was appointed to government then sacked, ran but lost a Congressional seat, and was then appointed to another government post. 

Pero hindi nagpabaya ang Kathniel Fans, agad pinagtanggol nila ang kanilang idolo. So they organized to mass report the page of the troll, Banat By.

Kung tutuusin wala namang sinabing masama ang dalawang Kapamilya Stars. Pero sa rehimeng Duterte ang ipagtanggol ang boses at kabuhayan mo ay dahilan na para kuyugin ka ng mga DDS.

Ang masaklap pa, yung gumagawa nito ay ang taong pinapasweldo ng taong-bayan gaya ni Mocha Uson. Kapal no?

But people are pushing back. May katapusan din ang lahat. Never underestimate the power of fandoms. Naway magkaroon ito ng ripple effect na magiging tidal wave hanggang 2022. Dahil muli pipili tayo ng mga leader. At sana piliin na natin ang hindi troll enabler at fake news purveyor. At higit sa lahat, pumili na tayo ng matino at hindi malupit na pangulo.

Fight on Kathniel fans!

Yamot Sa Mga Trolls,

PAB

 

Facebook Comments