DDS LAWYER

Dear Atty. Persida Acosta,

Kumusta po?  Balita ko hindi lang kayo magaling na abogado  magaling din kayong magluto. Dalawang Chef title po pala ang dala niyo. Chef sa PAO at Chef sa kusina.

Anyway, kaya po ako sumulat sa inyo kasi po nabalitaan ko po kagabi ang nangyari sa Caloocan. Ayon sa pahayag ni Bishop David gusto niyo daw kunin sa pangangalaga ng simbahan ang mga witness. Pinalabas niyo ang Tatay sa pagkakulong sa kasong droga para makuha niyo ang testigong minor.

Tapos may ready statement na ang Tatay ha na parang galit pa. Eto po ang nilalaman ng affidavit,

“Ako ay may parental authority sa aking mga anak, kaya hinihingi ko na i-release ninyo sa akin ang mga anak ko.”

Nagbago ang pangyayari nang dumating na ang mga bata kasama ng mga madre. Kasi nang kinausap ng mga bata ang ama at ang ina na nasa Oman, mas ginusto ng ama na ang pangangalaga sa pamilya nila ay nasa  kamay ng simbahan.

Ang pinagtataka ko lang, bakit parang ayaw pong pumayag ng PAO, VACC at CIDG.  Kung ang iniisip niyo po ang kapakanan ng witness hindi po ba mas magiging safe sila sa simbahan?

At saka Attorney nung umiyak kayo sa hearing at sinabi niyo na kawawa ang mga pulis sa puntong yun, kanino po kayo abogado, sa kay Kian o sa mga pulis?

Mabuti na lang may mga media doon, at hindi niyo napilit ang ama at mga bata na sumama sa PAO at VACC, kahit pa kinausap niyo ng sarilinan ang ama, hindi talaga pumayag.

Sana makamit ni Kian ang hustisya. Pero sa pag iyak niyo at pagtatanggol sa mga pulis parang malabo.

Napansin niyo Atty. Acosta, ang Diyos ay marunong talaga. Kayo ang nagbail sa ama para gamitin niyo siyang pawn at makuha ang witness, who would have thought na mas pipiliin ng ama ang proteksyon ng simbahan? Parang nag backfired ang plano ng VACC at PAO no?

Anyway, we will still be watching and observing ang kaso ni Kian.

At saka wag po kayong magpakadalubhasa sa pagluluto ha, baka maging restaurateur na kayo niyan at iwan niyo ang pagiging abogado.

Naway matanggap ni Kian ang hustisya at multuhin niya ang mga taong nagmamanipula sa kaso.

Nagdadasal para may multuhin,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *