DDS Ka Man, Buhay Mo Pa Din Ay Mahalaga

Dear DDS,

Alam ko masakit pag namatayan tayo ng mahal sa buhay, lalo na sa paraang extrajudicial killings.

Ikaw, Maharlika nabasa ko tong post mo.

 

 

For your information, matagal nang against si VP Leni Robredo sa extrajudicial killings. Di ba nga nagalit kayo kasi nga nagsalita si VP Leni sa video na pinadala sa UN about sa nangyayaring patayan?

Binatikos at binalahura niyo siya. Pinagtulung-tulungan ng mga DDS bloggers.

 

Ikaw Sass, eto naman ang post mo.

 

Parang sinasabi mong nanahimik si VP. Matagal na siyang nagsasalita against extrajudicial killings, bingi lang kayong mga DDS.

Eto naman si Glen Chong, huwag mong idamay ang SMARTMATIC at COMELEC kasi pulis ang pumatay sa love mong kaibigan na si Richard. Ikaw naman pilit na ginagamit sitwasyon para sa media mileage mo.

Ayun sa report ng PAO forensics, allegedly natorture daw bago nagkaroon ng shootout.

 

Yun pala ang findings, bakit napasok dito ang Comelec at Smartmatic?

Sino ba ang mga boss ng pulis? Hindi ba si Chief PNP Albayalde? Sino ba ang boss ni Albayalde, hindi ba ang Presidente? Sino ba ang walang bukambibig kung hindi “kill, kill, kill”? Hindi ba si Duterte? Command responsibility, Kyah.

Ngayon alam niyo na kung bakit sa simula palang ayaw na namin sa extrajudicial killings .

Huwag kang mag alala, kung paano kami humingi ng hustisya noong panahon ni Kian, Kulot at sa mga libo-libong pinatay, ganun din ang gagawin namin kay Richard Santillan.

 

"Kulot"

 

Dahil DDS ka man or Dilawan or anuman ang kulay mo, ang buhay mo ay mahalaga.

Hustisya para kay Richard Santillan!

 

Nakikiramay,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *