DDS Hindi Na-Gets Ang Cover ng Time Magazine

Dear DDS,

Nakita ko na marami sa inyong nagdiwang agad ng makita niyo sa TIME magazine si President Duterte.

Syempre hindi niyo na binasa. At hindi niyo na rin niresearch kung anong klaseng phylum ng mga hayop na nakasama niya sa cover.

Sige bigyan ko kayo ng clue ha, nabasa ko to sa Facebook,  research niyo na lang.

3 of them are plunderers

3 of them are mass murderers

4 of them are tyrants

4 of them are assholes

1 of them is running away from ICC

1 of them is a weak Chinese puppet
Only one of them fits all of the above.

Hulaan niyo na lang kung sino-sino ang tinutukoy po sa clue. Hindi po dapat kinakaproud po pag mapabilang sa ganyang grupo. Pero yung iba sa inyo todo post pa ha.

Yung iba pa super proud.

Alam niyo ba ang meaning ng STRONGMAN? Eto po yun.

Isang leader daw na namamahala sa pamamagitan ng dahas at pagbabanta. Isang bayolenteng pamamahala.

Ibig sabihin yun ang tingin sa kanya ng TIME magazine, isang diktador na leader. Ngayon, proud pa din ba kayo?

Grabe sila oh, hindi mo na binabasa bago magmayabang. The world is watching po. Nakikita ng mundo ang araw-araw na patayan, ang panhaharass sa media, ang panggigipit kay CJ Sereno at ang pag kalat ng fake news para mag mind condition ng tao.

Kaya yang article na yan, it is not something to be proud of. Ang credulous niyo! 😂😂😂

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *