DDS Suspended Lawyer

Dear Atty. Trixie Angeles,

Hindi ko po alam kung may problema kayo sa comprehension or sa pandinig. Eto po ang post niyo?

Saan sa sinabi ni Karen Davila na guilty si Paolo Duterte?  Ang point lang niya since na mention po ang kanilang pangalan sa hearing sa Blue Ribbon Committee hearing dapat lang mag appear sila doon at sabihin wala silang kinalaman.  At saka ano po ang sinasabi niyong burden of proof?  Di ba po, hindi naman korte ang Blue Ribbon committee?  Fact finding committee sila. Absent ka siguro nang tinuro yan sa law school no?  Hindi mo alam eh.

Anong guilty at innocent na binabanggit mo?  Bakit judge ba si Gordon?  At kung mag aappear sila dun hahatulan agad sila at ikukulong?  Luh, grabe sya oh, hindi maiintindihan ang functions ng Blue Ribbon Committee.

Tapos yung last paragraph mo nagsasabi na Senate is not a court but a legislative body, pero yung unang mga statement mo mga  presume innocent, may mga accuser ka pa na sinasabi. Labo po ng logic niyo.

Ganito po yan, halimbawa sa isang blue ribbon committee hearing may nagsabi na testigo “Binigay  ko ang suhol ko kay Faeldon at nang pagpunta ko sa hotel nandun din si Trixie at siya ang kumuha ng pera . Since nabanggit ang pangalan mo, ipapatawag ka din, para malaman ang katotohanan, pero hindi ibig sabihin nun guilty ka agad. Yan po ay example lang, wag dibdibin.

Yan po ang blue ribbon committee. Fact finding committee. Tama naman si Karen Davila,  bakit ayaw imbitahan si Paolo Duterte eh ilang beses nang nabanggit ang mga  pangalan nila? Hirap po sa inyo, basta niyo lang tinitira si Ms. Karen Davila nang hindi man lang nag-iisip kung nagamit niyo ba pinag aralan niyo.

Mema din po kayo eh. Lakas maka kontrabida kay Wonder Karen.

Galit sa Kontrabidang Chaka,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *