Dangerous Drugs Board, Nagresign na naman ang Pinuno

Dear President Duterte,

May allergy po ba kayo sa tamang information? Kasi po yung mga tauhan na binigyan kayo ng tamang information, tinatanggal niyo po.

CASE NO. 1

Former Chief of Dangerous Drugs Board Benjamin Reyes. Resibo.

Tinanggal niyo sya kasi binigyan niya kayo ng tamang information na 1.8 million ang number of drug users sa Pilipinas. Ang binigay niyo kasing info 4 million, luh sya saang puwet ng kaldero niyo po hinugot ang figure na yan?

Sabi niyo dati 3 million, resibo.

Tapos after 10,000+ deaths naging 4 million? Ano yan gremlins? Dumadami. Dapat nga ang mga taong nagsasabi ng totoo ang nilalagay mo sa pwesto.

CASE NO. 2 

Former Dangerous Drugs Board Chief Dionisio Santiago.

Tinanggal niyo sya kasi nagsabi sya ng totoo na yung mega rehab na pinagmamalaki niyo is a mistake. Tama naman po siya di ba? Resibo.

 

Capacity 10,000 tapos ang laman hundreds lang? Kung yung mga pinagpapatay ay nirehab na lang diyan eh di sana napakinabangan pa yan.

Hindi po kailangan ijack up ang numbers para majustify ang programa niyo. Mali na nga ang implementation, pinagtatanggal niyo pa mga taong makakatulong sa inyo. Hay naku.

Inis saTaong Ayaw Tumanggap ng Kamalian,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *