Daming Kuda ni Bongbong Marcos

Dear Bongbong,

Huy, dami mong kuda. Akala ko ba malakas kaso mo? Grabe to, nung wala pang recount, gusto mong magparecount, ngayong may recount, lahat na lang nirereklamo.

Pati butas ng ballot boxes, pinagngangawa mo. Natural magkakaroon ng butas yan, luma na eh, at pinagtatapon yan sa truck noong nagtransport.

At saka kung sakaling may basa man yan may ballot images naman di ba? Ang dami niyong kuda. Kung may basa man dito, hindi ang balota. Duh.

Di ba sabi mo sigurado ka na sa ebidensya mo, bakit ang dami mong kuda ngayon? Nangangamoy talo na ba? Kadiri to.

Alam mo nagkakalat mga trolls mo at propagandista ngayon. Amoy ng basa mong kili-kili ay gaya ng amoy ng pagkatalo niyo.

Tse!

Yamot sa Dramatistang Palaka,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *