Dalhin Si Pilo Sa Senado

Dear Atty. Florin “Pilo” Hilbay,

Malapit na mag October, sana isa ka sa makita namin na magfile ng candidacy sa araw na yun.

Noong last time na nag-usap tayo, ang mga agam-agam mo is wala ka namang sapat na pera para sa isang national campaign. Ang sagot ko sa ‘yo, maraming kababayan natin ang nagpahayag na tutulong.

Maraming Pilipino ang nakakita ng sarili nila sa ‘yo. Kung paano ka nagsumikap bilang anak ng isang kasambahay, at marating ang estado mo ngayon.

Nakita nila kung paano mo pinaglaban ang teritoryo natin, hanggang sa karapatan ng bawat Pilipino lalong lalo na ang mga kababaihan.

 

 

Isa din sa mga iniisip mo kung may partido kayang kukuha sa isang kandidato na galing sa Tondo at galing sa isang payak na pamilya na may payak na pamumuhay. Kung matatanggap ba ng mga elitista at mayayaman ang kandidato na ang tanging dala ay malinis na pangalan at karera.

By now alam naman natin na may mga taong pilit kang sinisiraan. Pilit kang binababa. It is been going on matagal na, pero never kitang nakitang magalit, kahit nang malaman mo na isang kaibigan pa ang nagtraydor sa ‘yo. We saw the pain in your eyes when you found out about it.

Hindi ka nagalit, pero ang ginawa mo pinatunayan mo na hindi totoo ang mga paratang. Kaya patalikod kang tinitira kasi alam nila imbento at paninirang puri ang ginagawa nila.

Atty. Florin, kunin ka man ng United Opposition o hindi, ang taong bayan ang magiging partido mo. Kami ang mangangampanya para sa yo sa bawat sulok ng bansa. For sure marami ang magvovolunteer. Hindi ka man kasingyaman ng ibang kandidato, ang pagmamahal ng taong bayan ang magpapanalo sa yo.

Alam namin na pag naging senador ka, ang mga nasa laylayan ang priority mo, kasi naranasan mo kung paano ang buhay sa baba. Alam namin na ikaw ang magiging boses ng bawat Pilipino doon.

Tataya kami para sa iyo, Pilo! Piso, Limang Piso or kahit higit pa, alam ko hindi manghihinayang ang taong bayan, kasi tumataya sila sa kinabukasan nila dito.

Ang taong bayan ang magiging kaagapay mo sa pagtakbo. Isang boto para kay Pilo. Isang boto para sa bawat Pilipino.

 

Tataya Para Sa Kinabukasan,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *