Dalawang DoTr Official Muntik Magrambulan

Dear Secretary Tugade,

Yung totoo daming kapalpakan yata ngayon ang ginagawa ng Departamento mo no? Una, yung kunwari nagpara ka ng bus sabihin mong overloaded, kahit hindi naman.

Pangalawa, yung mga opisyales mo sa MRT muntik nang magsuntukan ha.

At hindi pa kayo nahiya, sa harapan pa ng mga international investors. Tapos eto pahayag niyo.

Normal yung magbardagulan? Luh, hindi ko alam na iba na pala yung meaning ng “professionalism”.

Ok lang sana kung sakaling magsuntukan kayo ay makakatulong yan sa problema ng MRT.

Mga ‘to, parang mga highschool. Huy ayusin niyo mga trabaho niyo, sayang ang pasweldo ng bayan.

Yamot sa Barumbado,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *