Dahil Sa Kapritso Ng Isang Tao, Libo-libong Tao Ang Apektado

Dear KaPAB,

Kahapon, tuluyan ng tinuldukan ni Duterte ang kinabukasan ng mga employado ng ABS-CBN sa ibat-ibang panig ng bansa.

Hindi lang mga employees dito sa Manila, maging sa kanilang regional network ay tuluyan na nawalan ng trabaho.

Naisip ba ni Duterte kung ilang camera men, technical staff at mga news anchor ang nawalan ng trabaho?

 

Ilang milyong Pilipino ang mahihirapan maipaabot ang kanilang impormasyon sa kinauukulan? Hindi naisip ni Duterte yun. Wala siyang pakialam sa kinabukasan ng maraming pamilya.

Ganitong klaseng malasakit ang sinasabi niya noong kampanya palang.

Walang puso. Walang malasakit. Walang konsensiya. Tatak Duterte. Tatak DDS.

Yamot Sa Incompetent,

PAB