Dahil Nahuli Sa Panggigipit, Si Busy Presidente Leni Robredo Naman Ang Target

Dear KaPAB,

Inamin na mismo ni Duterte na siya ang nasa likod ng pagpapasara ng ABS-CBN. Una dinelete ito sa taped video ng speech ng pangulo. Pero may kopya ang media kaya nahuli sa pagsisinungaling si Harry Roque.

Pero may bagong kuwento ang mga trolls. Binabalik nila ang sisi kay Busy Presidente Leni Robredo.

Alam natin na kabobohan ito kasi ang mga franchise applications po ay wala sa Committee on Good Government and Public Accountability. Jurisdiction po yun ng Committee on Legislative Franchises. At hindi member si VP Leni Robredo sa committee na yun. Hindi nirefer ang franchise hearing sa committee kung saan nabibilang si Busy Presidente Leni Robredo, so bakit siya buboto?

Huwag na sanang magpaligoy-ligoy pa. Kaya nawalan ng hanapbuhay ang maraming pamilya dahil sa galit ng iisang tao at trinabaho ng kanyang 70 na mga tuta.

Walang pagkakaiba noong panahon ni Marcos.

Yung oligarchs na Yan? Drama lang Yan.

Dami niyang kaibigan na oligarch. Drama lang yan.

Kahit ano pang propaganda ang ikalat nila, hindi magbabago ang katotohanan na nagkakalat si Duterte sa pamamahala. Palpak na nga ang response against Covid19. Puro pa panggigipit ang ginagawa.

Hay naku.

Yamot Sa Incompetent,

PAB