Cyberlibel Case o Imbento Case?

Dear Secretary Aguirre,

Basurero ka ba? Ang hilig mong magkalkal ng mga basurang kaso para lang maipit niyo ang taong pumupuna sa kakulangan ng administrasyong ito eh. Resibo.

The case was clear that it was the PDR issue, ngayon you directed NBI na mangalkal ng kaso? Luh, grabe sila oh, kung hindi supression of freedom of expression ang tawag diyan, isang malaking fishing expedition yan.

Ano ba ang problema nang administrasyong ito sa mga strong women? Si Delima ginawan mo din ng imbentong kaso. Ngayon si CJ Sereno, gusto niyong ipaimpeach sa imbentong kaso. Ngayon si Maria Ressa sasampahan niyo ng Cyberlibel? Umuurong ba ang ba…. it niyo pag independent women ang kabangga niyo at gumagawa kayo ng mga imbentong kaso.

CYBERLIBEL IMBENTO CASE AGAINST MARIA RESSA 

FACT:

Ang kasong imbento niya na cyberlibel against Rappler was filed by businessman Wilfredo Keng, who was the subject of an investigative report published in May 2012. Yung cybercrime law was enacted in September 2012.

Luh, parang hindi sila nag criminal law oh.

Simplehan natin. Halimbawa si Mochabelles dati pa ay nagpapalabas ng video na nagtuturo ng orgasm sa mga tao. Ngayon nagkaroon ng batas na pinagbabawal tong gawin ngayong 2018. So puwede niyo bang hulihin si Mochabelles kahit noong panahon na ginagawa niya ang video ay wala namang batas pa na nagbabawal?

Ang reason niyo “continuos crime” kasi naka publish pa online? Sige nga, maghanap kayo ng jurisprudence na libel is a continuously being committed. Wala di ba?

Tapos sabi niyo hindi ito harassment? Wag nga ako.

Besides,

Art. 4. Laws shall have no retroactive effect, unless the contrary is provided. (3) 
General Rule: All statutes are to be construed as having only prospective operation 
Exceptions (1) When the law itself expressly provides Exceptions to Exception: (a) Ex post facto law 
(b) Impairment of contract (2) In case of remedial statutes (3) In case of curative statutes (4) In case of laws interpreting others (5) In case of laws creating new rights [Bona v. Briones (1918)] (6) Penal Laws favorable to the accused.

Pinagloloko niyo ang taong bayan. Binabago niyo ang batas at ypur convenience.

At saka ang prescription period ng cyberlibel law ay one year.

Ayon sa Article 90 ng Revised Penal Code, ang complaint sa libel ay kailangan na maisampa sa loob ng one (1) year mula ng ginawa ito. “Art. 90.    Prescription of crimes.  x x x “The crime of libel or other similar offenses shall prescribe in one year. x x x. Kung hindi naisampa sa korte ang krimen na libel, ang tao na naapektuhan nito ay hindi na pwedeng magsampa sa korte dahil prescribed na ang crime.

2012 nangyari ang publication, dyusko anong petsa na, aber?

Wag tayong maglokohan, hinaharrass niyo ang mga taong pumupuna sa kamalian niyo.

Yamot sa mga Basurerong Manloloko,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *