Cyber Attack daw?

Dear Secretary Martin Andanar,

Paki explain nga po kung paano kayo na cyber attack e yung ibang post ay last March and April pa?

Pareho kayo ni Ate Mocha kung hindi symbolism, sarcasm naman. Ikaw naman, kung hindi sabotahe, cyber attack.

Paano mo iexplain na ang cyber Attacker ay alam ng dialect nang nag-uusap?

At bakit naman kayo isacyber attack, sa dami ng kapalpakan ng PNA parang kayo naman ang umaatake sa sarili niyo eh.

Yung ginawa niyong chat room ang PNA, cyber attack pa din? Nyek,  wag kami, Sec. Martin.  Si Ate Mocha puwede mong mapaniwala, pero ibahin mo  kami.

Cyber attack?  Baka incompetence attack? Yung logo ng DOLE at yung pagkopya niyo sa Chinese website? Yung pekeng picture na sa Vietnam pala.  Luh,  lagi lang may cyber attack?

Sayang lang sa inyo ang buwis ng bayan. Try mong maghire ng hindi trolls na mga empleyado. Baka sakaling umayos ang Palpak News Agency.

Yamot sa Palpak at Palusot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *