Contreras Strikes Again

Dear Professor Contreras,

Nakita ko po itong post niyo about bullying. Medyo nabother lang po ako sa definition niyo ng bullying.

You only bully the weak?  Luh, wala namang pinipili po ang bully. Strong or weak pag napagtripan ka ng bully biktima ka. Like what Lorraine Badoy did to Jillian before, yun ha bata vs. Matanda. Yung pambubully niyong lahat na political marketer kay VP Leni, wala kayong pinipili kahit nga po patay di ba, binubully niyo?  Remember, Secretary Jesse?  So ang mga bully na katulad niyo walang pinipili.

At saka po hindi ibig sabihin na porke nabully ka weak ka. Maraming paraan to fight bullying. Puwedeng gumanti ka at puwede din you ignore them. Yung pinili ni VP yung second one. Pero hindi ibig sabihin nun weak siya. That’s political maturity. It takes strength to be political mature.

Masakit po ba, prof, na kahit tulo laway na kayo sa paninira kay VP ay hindi niya pa rin kayo pinapansin?  😂😂😂

Your group vs. One VP.  Yan ang bullying. And the VP is smart enough to ignore your group and your hired minions. Ignoring trolls takes a lot of strength, so therefore VP is not weak.

Alam ko po, smart po kayo, hindi naman po kayo makakapasok sa DLSU kung bobo kayo eh. Kaya lang your hatred is consuming your brain kaya po nawawalan na po yata kayo ng discernment to differentiate what’s right from wrong. Professor Contreras, holding on to anger is like drinking poison,expecting the other person to die, pero ang totoo ang  sinisira niyo po ang sarili niyo.

Sana po marealized niyo po yan before kayo maging super mega dooper BULLY to the max.

Pumapalag sa Bully,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *