Congratulations, Mr. Rapist?

Dear President Duterte,

Tatawagin ko po sana kayong Tatay Digong, kaya lang I can’t consider someone Tatay na ginagawang normal or minsan biro po ang salitang rape.

What’s with you and the rape word?  Na parang kusa siyang lumalabas sya sa bibig niyo po.  Remember the Australian missionary?  Na kahit patay na nagawa niyo pa ring sabihin na “dapat Mayor ang mauna “. That’s pure evil. Tapos yung one time na pinagmayabang niyo na hinipuan niyo po ang katulong niyo? That’s gross. There is something wrong with your mind.

Sa kasagsagan ng declaration niyo ng Martial Law, sinabihan niyo ang mga sundalo niyo OK lang mangrape ng 3 beses. It’s like you are giving them an encouragement to do rape. Hindi yan ugali ng may normal na pag-iisip.

And then yesterday, ginawa niyo na naman sa speech niyo sa Davao in front of diplomats. You said:

What I don’t like are kids (being raped.) You can mess with, maybe Miss Universe. Maybe I will even congratulate you for having the balls to rape somebody when you know you are going to die.”

Ano yun? Wag mang rape ng bata pero OK lang marape si Pia  Wurtzbach? Tapos icongratulate muna bago patayin? That’s sick!

Mr. President, kahit ano pa ang edad rape is not OK!  It will never be OK.

Oo nga pala, I remember one time when your daughter Mayor Sara Duterte admitted that she was raped. Instead na tanungin niyo sya what happened or makisimpatiya kayo sa kanya you even called her “Drama Queen”. Hindi po yan ang reaction ng normal na Tatay.

Kung kaya niyong gawing joke ang rape ng paulit-ulit without remorse,  I think you need to see a doctor na po. Psychiatrist po. Yung magaling, maraming doctor dapat, sa tingin ko po kasi ganun na po kaya kalala.

May sakit na nga kayo sa katawan, tapos parang may mali pa sa pag -iisip niyo, aba sabi nga ni Daniel Padilla sa kanta:

Nese ye ne eng lehet.. “

Wag pakyawin ang lahat ng sakit, mapapadali po kayo niyan..

Galit sa Manyakis,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *