Cong. Sitti Hataman, Biktima ng Fake News

Dear Duterte Trolls, Duterte Fake Sites, and Duterte Propagandists,

Paano nyo po nasisikmura na sa gitna ng patayan sa Mindanao ay nakukuha nyo pang mag imbento ng kwento?

Paano nyo po nasisikmura sa gitna ng sakit at dalamhati ng mga kapatid natin sa Mindanao ay nakukuha nyo pang magphotoshopped at mag post ng kasinungalingan?

Anong klase po kayong nilalang na ang kahirapan ng sitwasyon sa Mindanao ay nakuha nyo pang gamitin sa pulitika.

You made this post recently and it was shared by your minions a thousand times without even verifying if the photo is true or not.

Sinadya nyong ilagay ang picture ni Representative Hataman para isipin ng tao na sya ang Nanay ng Maute. Ang layo ng itsura sa totoong Nanay ng Maute oh.

There is a place in hell na nakareserve sa mga taong ginagamit ang pagdalamhati ng iba sa kasinungalingan at pulitika. Cong. Sitti is the wife of Governor Hataman of the Autonomous Region of Muslim Mindanao, both are Liberal Party members. Maybe that’s the reason why sila naman ang biniktima nyo.  Husband and wife are working hard para maprotektahan ang lugar nila. Para matulungan ang mga tao na ituloy ang pamumuhay sa kabila ng declaration ng Martial Law.

Pero may mga tao na kagaya niyo na talagang walang konsensya, hindi na nga nakakatulong gumagawa pa ng paninira.

Lagi ko tong sinasabi, HOW YOU CAMPAIGNED IS HOW YOU GOVERN.

Ang administration na to, nagsimula sa fake news at kasinungalingan, nanalo dahil sa fake news at kasinungalingan at nakakahiya man sabihin nagpapatuloy sa fake news at kasinungalingan.

Mag ingat kayo, digital na karma ngayon, baka abutan kayo or ang sinusuportahan niyo.

Kinasusuklaman ang Peke,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *