Commute Challenge Ni Panelo, Epic Fail!

Dear Secretary “Lizardo” Panelo,

Di ba sabi mo umalis ng maaga para di maranasan ang kalbaryo ng traffic?

 

Kumusta naman biyahe mo kanina?

 

 

Sabi ng isang commuter tinulungan ka pa daw ng pulis para nakasakay. Sana all.

Kasi ang kalbaryo ng mga commuters hinahabol ang jeep para makasakay agad.

Dito muntik ka pang makaladkad di ba pagbaba? Isipin mo yung mga babae na nakasaya na nagcocommute araw-araw yan din ang nararanasan nila.

Tapos ano ang nangyari pagsakay mo sa tricycle?

 

 

May mga pagkakataon na ganyan talaga, minamalas ang malas. Buti na lang may nag offer sa iyo na iangkas ka ng motor.

 

 

Sana all ganyan but reality wala masyadong nag aaalok Ng tulong kasi lahat busy sa pakikipag buno sa traffic araw-araw.

 

 

Di ba halos apat na oras na biyahe pero late ka pa din sa alas-8 mong pasok. Unlike sa mga ordinaryong manggagawa, I am sure buo pa din ang sweldo mo pagtapos ng buwan.

Kaya huwag mong sasabihin na walang transportation crisis. Lalo mo yang mararamdaman pag-uwi mo mamaya, Friday at pay day pa naman.  Di ba hanggang pag-uwi pa naman to, right? Or suko ka na?

Pabida ka lagi eh.

 

Yamot Sa Bida2x,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *