Impeachment, Laban O Bawi

Dear KaPAB,

Ang gulo ng bansa tapos sumasabay pa sa gulo ang Supreme Court. Eto ang mga kaganapan.

Di ba nagfile si Gadon ng impeachment case laban kay CJ Sereno? Sa bawat araw ng hearing sa committee on justice ni Umali, nakita natin kung paano puro hearsay ang mga akusa ni Gadon.

Eto ang mga kaso.

CJ Sereno: Land Cruiser Allegation | Pinoy Ako Blog

Gusto yata ni Umali at Gadon ay jeep ang sasakyan ng Chief Justice ng Supreme Court. Pag si CJ Sereno hindi puwede, pero pag kabaro nila, ok lang? Resibo.

Eto pa ang isang pekeng kaso.

CJ Sereno: Business Class Flights Allegation | Pinoy Ako Blog

Luh bawal business class? At magdala ng isang staff ? Eh ano ang tawag mo sa milyong milyong byahe ng presidente? Yung P31,800,000 na gastos sa isang araw? Resibo.

Rappler: Duterte Foreign Trips Expenses | Pinoy Ako Blog

Another imbento case ni Gadon.

CJ Sereno: SALN Issue Allegation | Pinoy Ako Blog

SALN ba kamo? Kahit tama ang SALN ni CJ Sereno, pilit hinahanapan ng mali. Pero yung mali na bilyones na BPI account na wala SALN ng poon, deadma lang?  Mga ipokrito!

Tapos itong mga bully na si Alvarez at Umali ang yayabang pa. Sabi ni Umali Game Over na daw. Tapos pinagreresign na naman ngayon.

ABS-CBN News: Umali to Sereno | Pinoy Ako Blog

Tapos ito si Alvarez ay mukhang lalabagin pa ang batas para lang mapaalis si CJ Sereno.

Speaker Pantaleon Alvarez | Pinoy Ako BlogAlam naman natin na ayun sa Saligang Batas maaari mo lang mapaalis ang isang Chief Justice ay through impeachment lang. Pero bakit kaya gustong balahurain ng mga kongresistang ito ang saligang batas?

Kasi alam nila pag mag full blown impeachment trial sa Senado mabibisto na lahat ng paratang bila kay CJ ay pawang fake news lang.

Kontrolado na ang Legislative, tinatakot ang Ombudsman, ngayon pati ang Korte Suprema gustong balahurain.

Ito ba ang pagbabagong gusto niyo? Bagsak na ekonomiya, traffic sobra, ang baba ng value ng peso, binigay na sa China ang ating teritoryo, ang mahal ng bilihin at higit sa lahat araw-araw ang patayan.

Tapos sumasabay pa sa drama ang mga Associate Justice na akala mo nagbabangayan lang sa classroom. Nakakahiya.

Kailangan magsalita. Hindi ito ang oras para manahimik.

#StandWithCJSereno

#RespectTheConstitution

Lalaban Para sa Katotohanan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *