Christmas Gift For Pinoy Ako Blog

Dear KaPAB,

May bago tayong sorpresa na natanggap bago mag Pasko. Alam niyo ba ang Deutsche Welle? Eto ay isang sikat na international broadcaster sa Germany. Member eto ng European Broadcasting Union.

 

Binigyan tayo ng recognition ng Deutsche Welle.

 

Kabilang tayo sa listahan ng Champions of Free Speech. Sa Pilipinas dalawa lang kami ni Maria Ressa na napabilang sa listahan.

Ang iba pang nakasama natin sa listahan ng Champions of Free Speech ay sina Jamal Khashoggi, Wa Lone and Kyaw Soe Oo, Shahidul Alam, Fahad al-Fahad, Mahmoud Abu Zeid “Shawkan”, Ahmet Altan , Ding Lingjie, Alaa Abd El-Fattah, Bassel Khartabil, Milagro Sala, etc.

Sa iba’t-ibang panig ng mundo pumili ang Deutsche Welle ng mga individuals na patuloy nakikipaglaban para sa karapatang pantao at hustisya.

After ng Filipino of the Year given by Inquirer last 2017, eto ang isang recognition natin na puwede nating ipagmalaki.

Para sa atin lahat ang recognition na ito kasi TAYO SI PAB.

 

Patuloy na Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *