Gaano KaChina ang Administrasyong Duterte

Dear President Duterte,

Gaano po kalaki ang utang na loob niyo sa China at feeling ko kaya niyo nang ipambayad ang puso at kaluluwa ng bansa?

Mula sa hindi niyo man lang pinaglaban ang Scarborough Shoal.

Tapos sa China niyo pa plano umutang na halos ang laki nang interest na pinapatong.

Halos sobrang lugi tayo sa interest nila. Tapos yung pag gagastusan niyo ng build, build, build, Chinese din pala ang magiging worker. Sinabi ito ni Diokno last year.

Tapos ngayon naman ang Boracay. Ipapasara niyo to give way sa pagtayo ng hotel/casino ng isang Chinese investor na taga Macau?

Isasakripisyo mo ang kabuhayan ng mga tao doon para sa mga Chinese?

Tapos si DFA Sec. Cayetano may joint exploration na na ginawa with China.

Baka magising na lang kami isang araw, may mga sundalo na ng China na nakatira sa bansa natin. Tapos sila na ang magpapatakbo ng bansa. Sana hindi dumating ang puntong yun.

Isipin mo din po ang kapakanan ng mga taong umasa sa inyong pagbabago. Kahit wala nang jetski po, basta ipaglaban mo lang ang Pilipinas.

Wala pong utang na loob ang bansa sa China. Kayo lang po, wag kayong mandamay ng iba.

Yamot sa mga Duwag,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *