China Na Naman Ang Nakinabang!

Dear KaPAB,

Laging sinasabi ni Duterte na wala ng pera. Kesyo uutang ulit. Tapos mababalitaan mo Ito.

Yung mga PPE overpriced. At ang masaklap pa ang mga supplier ang karamihan galing China.

Madaming manufacturer sa Pilipinas Ng PPE. Tama si Senator Risa Hontiveros, support local sana. Bukod sa mura na, matutulungan pa ang mga kababayan natin na walang trabaho.

Isang bilyon na overpriced? Ilang kit na yun para sa mass testing? Ilang kilong bigas na yun para sa mga jeepney drivers? Ilang healthworkers na mabibigyan ng mataas na hazard pay?

Bakit hindi to napansin ni Duterte? Akala ko ba ayaw niya ng corruption? Eh harap-harapan na ang corruption sa kanyang rehime eh.

Sino ang nakinabang sa 9.2 bilyon na overpriced?

Yamot Sa Mga Magnanakaw,

PAB