Cesar Montano Strikes Again!

Dear Cesar Montano,

May tanong po ako sa inyo as Chief Operating Officer  po ba ng Tourism Promotion Board parte po ba ng trabaho niyo ang mag emcee sa mga pro Duterte rally?

Yan po ba ang function ng COO? Dapat nandoon kayo sa batasan nakinig ng SONA. Sabi po ni President Duterte, ayaw niya sa corrupt, kahit whiff lang daw ng corruption, tinatanggal niya. Ang tanong bakit nandiyan ka pa po?

Di ba nga nireklamo po kayo ng mga kaopisina niyo po? Ayun sa kanila,

“On January 18, 2017, COO Montano entered into an Eleven Million Two Hundred Thousand Pesos Contract with Carat Philippines where he performed as a guest singer together with his nieces.”

Luh grabe sya oh. May sweldo na sa gobyerno mo, gusto may sideline pa, kasama na pati pamilya.

Eto pa. Yung pro Duterte rally niyo pala ay 16.5million ang kontrata sa mga singer at nagperform ka din. Ano kaya yun. Proposal niya, approve niya, kontrata niya, perform niya. Adobe sa kapal. 😠

At sabi pa sa complaint

Montano also “brought in a team and consultants whose functions are already being rendered by incumbent employees.”

Among such employees are Montano’s supposed relatives Priza Cinco and Rommel Montano, as well as Peter Domingo, a part of his household.

Hala sya pati katulong sinama na.

Hay naku. Anyway yung rally niyo kahapon ikaw din nagkontrata?  Yung mga performers niyo po oh, ang lalaswa, nagmukha tuloy cabaret ang rally niyo.

Sabagay sabi nila kung ano ang sinusuportahan mo ganun ka din. Kung Balahura ang sinusuportahan, balahura din for sure ang supporters.

Ang point ko lang mukhang sobrang lugi ng taong bayan sa pinapasweldo sa yo.  Wala ka na ngang masyadong contribution sa opisina mo, may mga alegasyon pa nang corruption.

You are the living proof na hindi sincere si Duterte to fight corruption.

Since pamilya mo at kaibigan ang mga ginawa mo daw na empleyado ,bakit hindi mo na lang palitan ang pangalan ng  opisina mo. Gawin mong Montano and Friends Promotion Board. Lubus lubusin na ang kakapalan ng mukha.

Yamot sa Walang Kahihiyan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *