Cayetano Nililihis ang Issue ng Kapalpakan

Dear Secretary Alan Peter Cayetano,

Talaga naman sa paglihis ng issue, champion po kayo no? Nagalit kayo sa sinabi ni VP Leni.

Tama naman siya di ba? Dapat aminin mo na nagkamali ka. Nag sorry ka nga pero sabi mo naman walang mali kang ginawa, so ano pa ang halaga ng sorry mo? Sabagay, wala ka nga pala ng experience sa Foreign Relations, nilagay ka lang diyan dahil sa utang na loob. Kaya naman yung mga tao mo, gaya ni Thinking Pinoy, Mocha Uson at Sarah Arriola ay nilagay mo din sa palibot mo kahit kapos sa qualifications. Kaya ayan, kapalpakan ang bunga ng mga tsuwariwariwap mong pabibo.

Eto ang batikos mo Kay VP Leni.

Halata talaga na kambal tuko kayo ni Mocha no? Sagutin lang kita ha. Una yung sinabi ni VP Leni sa number of deaths, totoo yun. Kasi nga yun din ang ginamit ni Aguirre noong nagpresent siya sa New York. Same figures po.

So ano po ang fake news diyan. Eh ang accomplishment report nga ng PNP eh 20,000 na ang figures eh.

Please lang huwag mong ikukumpara ang kapalpakan mo sa ginawang tama ni VP Leni.

Etong mga ginawa mo hindi ito fake news.

Si Sarah Arriola na tao mo ay nagpabibo doon kung saan ang results napahamak ang mga OFW natin.

 

Tapos sinabayan ng video ni Mocha Uson at Thinking Pinoy kaya napahamak ang mga envoy natin at ang mga driver na Pilipino na sinama niyo sa isang covert operation.

Ang mga tao mo ang nagpahamak sa mga tao doon.  Ang parusa sa kidnapping ay kamatayan. Kawawa yung mga driver doon na nakakulong samantala si Mocha, RJ ni eto at si Sarah Arriola ay nandito na sa Pinas at hayahay ang buhay.

Mas magaling pa nga sa yo si VP Leni Robredo pagdating sa usaping China.

At least si VP Leni matapang nagsalita, ikaw hanggang ngayon sipsip pa din sa China.

Sa susunod na maglihis ka ng issue, siguraduhin mo na tama ang pinagkukuda mo, kasi lagi na lang kayong palpak.

Buti pa palit ulo na lang, ikaw, si Arriola, RJ Nieto at Mocha, ang ikulong doon sa Kuwait tapos pauwiin ang nakakulong na drivers at ang mga kinasuhan na envoy doon dahil sa kapalpakan niyo. Mas matutuwa pa ang taong bayan. Tse!

Yamot sa Mga Kapit Tuko sa Kapangyarihan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *